ARTICLES

Bago Matapos ang Gabi (Part 7)

Wednesday, June 23, 2010

At nakita ko iyon lahat kay Ace. Hindi ko alam kung anong meron siya at tuluyan na ding nahulog ang aking loob. Siya din siguro ang naging dahilan kung bakit mabilis kong nakalimutan ang mga taong nagbigay ng sugat sa akin. Parang lagi akong nasa alapaap tuwing kasama ko siya. Lagi nang may ngiti ang aking mga labi. At parang lagi akong walang probema tuwing magkapiling kaming dalawa. Hinding hindi mo kayang tumbasan ng kahit anong materyal na bagay o salapi ang mga sanadaling iyon.

Ang sarap nitong bigyan ng tanaw. Para lamang itong isang magandang imahinasyon na hindi inaasahan na nagkatotoo. Lagi din niya akong iniimbitahan sa mga okasyon na dinadaluhan niya ngunit ako na din ang kusang tumatanggi. Sinasabi ko na lamang na ayaw ko makipagsosyalan sa mga kakilala at mga kaibigan niya. Minsan pumupunta naman ako sa bahay nila at nakikipag inuman sa mga kaibigan niya. Iyon siguro ang nagustuhan ko sa kanya.

Hindi siya nagdalawang isip na ipakilala ako sa kanyang mga kaibigan at nakaya pa niya akong dalhin sa kanilang bahay. At kung may magtanong kung papaano kami nagkakilala, sinasabi na lamang niya na nakasama niya ako sa isang tv show at pareho kami ng agency kaya kami naging magkaibigan. Mahirap magpalusot pero nasasakyan ko rin naman ang mga tanong nila. Iyon din siguro ang nagusutuhan niya sa akin. Marunong akong magtago ng mga dapat itago.

Kaya naman talagang nagkagustuhan kaming dalawa. Nauunawaan ko naman siya dahil kahit ako, ganuon din ang pakilala ko sa kanya. Mahirap talagang may makaalam sa tunay naming katayuan sa buhay. Parehas lang kaming hindi handa sa magiging bunga ng mga ito kung sakaling may makakaalam. At isang araw napagkasunduan namin na umalis at pumunta sa ibang lugar. Napagkwentuhan kasi namin na nakakasawa din naman ang busina at ingay ng syudad.

Kaya naman pagkatapos naming mag dinner pumunta na lamang kami sa tagaytay. Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin kaya naman pumunta na lamang kami sa resthouse nila sa Tagaytay at bumili ng mga beer para mag-inuman. Masasabi ko na isa ito sa pinakamagandang ala-ala sa aking buhay. Malayo kami sa pamilya, kaibigan at sa aming mga problema.

Nakita namin ang tunay naming sarili na walang halong takot at pangamba. Nagpakalasing kaming dalawa. Nagpakasaya sa isa't isa. Nakaupo kami sa balkonahe at nag iinuman habang nakatitig sa kalawakan. Sinasamyo ang sariwang hangin ng probinsya habang nagpapakalunod ang aming katawan sa alcohol. Ang sarap ng pakiramdam. Parang nakita namin ang katahimikan sa aming sarili. Ang sarap ng walang iniisip na problema. Sana laging ganito. Sana laging masaya. Sana laging walang problema. Masarap gunitain ang mga oras na iyon. Ninanamnam namin ang bawat oras na magkapiling kaming dalawa. Alam namin sa bawa't isa na anumang oras ay babalik na din ako sa America habang siya naman ay tutungo sa panibagong pahina ng kanyang buhay. Mahirap ngunit kailangang harapin.

Natapos ang gabi ng magkayakap kaming dalawa sa kama. Lumipas ang oras, araw at linggo at matatapos na din ang aking masasayang araw dito sa Pilipinas. Matatapos na din ang masasayang araw na kapiling ko si Ace. Kaya naman, bago ako mangibang bansa nakiusap ito na bago ako umalis ay mapagsaluhan namin ang malamig na gabi kahit ilang oras lamang.

Kaswal lang ang pangiimbita. Siguro nga hanggang ganuon na lamang ang aming sitwasyon. Nagtatawagan kung may kailangan ang isa. At iyon nga ang aming ginagawa. Hindi man lang sumagi sa aming mga isipan kung may patutunguhan ang aming relasyon na higit sa pagkakaibigan lamang. Napagkasunduan namin na magkita ulit sa lagi naming tagpuan. Dahil kadalasan, ako ang laging unang dumadating tuwing kami ay nagkikita, dumating ako duon ng eksatong 11:00 ng gabi.

Nagpark muna ako at kasunod nuo'y tinawagan ko ang kanyang telepono para ipaalam na dumating na ako. Natuwa naman ako sa kanyang tinuran. Kanina pa daw niya ako hinihintay. May konting kilig akong naramdaman dahil gumawa siya ng paraan para ako ang hindi maghintay sa kanya. Pumunta ako sa Starbucks at nakita ko siyang umiinom ng kape. Naka cap ang mokong at natawa ako sa kanyang ayos. "Tanggalin mo na nga yan, gabing gabi na na cap ka pa" ang marahan kong tugon sa kanya. "Sige na nga.

Ayan tanggalin ko na." ang kanyang sambit sabay ngiti sa akin. "Bakit ka nakasumbrero ngayon?" ang aking tanong Ngumiti lang ang mokong at saba'y sabing "Madami tao dito. Baka meron makakilala sa akin dito." "Feeling nito. Akala mo naman kung sinong sikat. Hindi ko naman malalaman kung hindi mo pa ito sinabi" ang pangungutya ko sa kanya kasabay nito ang malakas naming tawanan. "Oh ayan, ang dami na namang nakatingin sa iyo.

Mukhang magpapapicture na naman sa iyo." ang asar ko sa kanya at sabay na naman kaming nagtawanan. "Teka. Ako din kailangan kong magpapicture sayo. Para naman may remembrance ako sayo." Sabay tawa na naman ng malakas. "Gagu hindi na kailangan yan! Ito panoorin mo na lang yan." Sabay abot ng isang flash disk. "Ano naman to?!" ang aking tanong kasabay nito ang maaamong ngiti ni Ace sa akin. Inubos na muna niya ang kanyang iniinom na kape at sabay na kaming umalis ng Starbucks.

Napagdesisyunan din namin na sa sasakyan na lamang niya kami sasakay para sa pupuntahan naming lugar para sa aming huling pagniniig. Dumating na kami sa lagi naming pinupuntahan. At sabay na din kaming naghubad at humiga sa kama. Parang kakaiba ang nararamdaman ko nuong mga oras na iyon. Marahil ganuon din siya. Parang may anghel na dumaan sa amin at sobrang tahimik ng lugar. Wala ni isa man lang sa amin ang may kayang magsalita. Para bang una namin itong pagtatagpo at nagkakahiyaan lamang. Pero hindi, matagal na kaming magkakilala.

ITUTULOY...

Share

0 comments:

Post a Comment

MyBloglog Community

Search This Blog

Sex Addicts

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP