ARTICLES

Bago Matapos ang Gabi (Part 11)

Thursday, September 30, 2010

Kailangan ko ng kausap. Kailangan kong ilabas ang aking sumasabog na damdamin. Tinawagan ko siya sa kanyang telepono.

Me: I can't sleep. How are you? What are you doing?
Ace: Just drinking some booz here. I can't sleep either
Me: What was that all about?
Ace: What do you mean?
Me: The video
Ace: I am very sorry
Me: Sorry for what?
Ace: For not telling you everything (silence..)
Me: We have an agreement. And that's what we have agreed upon. I'm happy with what we have. Were justâ?¦..(prolonged silenceâ?¦)
Ace: I want to hear it
Me: What do you want to hear from me?
Ace: Were justâ?¦ what? Tell me what's wrong.
Me: There's nothing wrong. I understand. I really do. And if I'm in your position, I'll do the same anyway.
Ace: You didn't answered my question. Do you like me? Do you love me? Or am I just your friend? friend with benefits?
Me: What are you talking about? Are you insane? You're getting married.
Ace: I guess I was right after all
Me: Don't give me that crap.
Ace: What then? I want to hear it
Me: I don't need to answer that. And I know you know how I really feel for youâ?¦ (silenceâ?¦ voice cracking..) Does it matter now if I'll tell you that I love you?
Ace: Yes because I love you.
Me: This is not right.
Ace: But we can talk things out
Me: Are you out of your mind? It's too complicated
Ace: But
Me: Please no more buts'. I'll be leaving later and you're getting married. Knowing that you love me too is more than enough for me. (silence..)
Ace: What the fuck is happening to me? to us?
Me: Let's not talk about that. Were just making things so complicated.
Ace: Can we meet again? Even for just a few minutes?
Me: I want to see you now. We really need to talk.
Ace: I cannot stand this anymore.
Me: Me either.

Nagkita ulit kami ni Ace ng 5:00 ng umaga. Siguro ito na marahil ang pinakamabigat na usapan na nangyari sa amin. Parehas na nanginginig ang aming mga boses. Ang sakit sakit sa dibdib. Pilit naming tinatago ang tunay na nararamdaman sa isa't- isa. Nakita ko ang unang patak na luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Ang sakit. Napakasakit.

Hindi ko na din napigilan at tuluyan na ding umagos ang kanina pang namumuong luha sa aking mga mata. Hindi kami nakapag-usap ng maayos. Ang hirap. Parang walang tamang salitang lumalabas sa aming mga bibig. Siguro ang tama lang nuong mga oras na iyon ay ang mga katagang I love you.

Patuloy pa din ang pagbuhos ng luha sa aming mga mata. Siguro ang mga ito na lamang ang sumasagot sa tunay na nararamdaman naming dalawa. Mahirap. Masakit. Pagod na akong umiyak at marahil siya rin. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na pagod na pagod na din siya kaya iyon ang naging desisyon niya sa buhay.

Ngayon alam ko na ang kasagutan. Kailangan naming tanggapin kung ano man ang mangyayari sa aming buhay. Siguro ganuon nga kami ni Ace. Mahal mo, mahal ka ngunit hindi talaga kayo para sa isa't isa. Ito marahil ang kapalaran naming dalawa. Natapos ang aming usapan na may bigat sa aming mga puso. Kailangan naming maghiwalay para sa ikakatahimik ng lahat.

Kailangan niyang magka pamilya at ako nama'y kailangang hanapin ang buhay sa ibang bansa. May dahilan ang lahat kaya nangyari sa amin ito. Mahirap man talikuran ngunit iyon ang nararapat. Iyon ang dapat. Ngayon na andito na ako ulit sa America, kailangan kong buksan ang panibagong kabanata sa aking buhay. Ngunit magsahanggang ngayon, patuloy pa rin kaming naguusap kahit milya milya na ang layo. Pilit din naming ginugunita ang mga maiinit na sandali na pumukaw sa aming dalawa.

Pati na din ang mga kuwentuhan, tawanan at asaran na lalong nagpatibay sa aming pagsasamahan. Hanggang ngayon patuloy ko pa rin pinanunuod ang flash disk na ibinigay niya sa akin. Nuong una, luha ang pumapatak sa aking mga mata. Luha ng pagmamahal at panghihinayang.

Siguro dahil natanggap ko na na hindi kami talaga para sa isa't isa, ngiti na ang nakikita sa aking labi. Masarap din kasing malaman na mahal ka ng mahal mo kaya naging madali para sa akin na tanggapin ang lahat. Masaya ako sa mga sandaling nagkasama kaming dalawa. Masaya ako at may nakilala akong isang katulad niya. Masaya ako dahil alam ko at alam din niya ang halaga namin sa isa't isa. At higit sa lahat masaya ako para sa kanya at ilang buwan na lamang ay ikakasal na siyaâ?¦.

The End


Salamat sa pagpublish ng story ko...

-Bhenski
Share

Read more...

Bago Matapos ang Gabi (Part 10)

Friday, September 17, 2010

Gusto kong ipadama sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Gusto kong kumawala. Gusto kong lumigaya. Naging mahirap ang aking paglalakbay at gusto ko namang masinghap ang tunay na kaligayahan, ang tunay na pagmamahal. At bago matapos ang gabi, nangako kaming dalawa na kahit anong mangyari, magkikita kaming muli at ipagpapatuloy ang aming naudlot na pagsasamahan.

Iyon na din ata ang aming huling pagkikita. Kailangan kong kimkimin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Malungkot ngunit kailangang tanggapin. Umuwi na ako sa aming bahay. At nang magpapalit na ako ng damit, may naramdaman ako sa aking bulsa at bigla kong naalala ang flash disk na ibinigay sa akin ni Ace. Dali-dali akong pumunta sa aking laptop at tiningnan kung ano ang laman ng flash disk na ibinigay sa akin. Natawa ako sa laman nito. Mga pictorials niya pala ito.

Alam talaga niya kung paano ako patatawanin. At nang malapit na akong matapos, may isang video na naka-agaw pansin at gumising sa aking ulirat. Hindi ko alam kung ano iyon kaya naman dali-dali ko itong binuksan. Ito siguro yung sinasabi niyang una niyang naging commercial sa loob-loob ko. Ngunit ako ay nagkamali. At pagbukas ko nito, mukha ni Ace ang bumungad sa akin. Nagulat ako.

Natahimik. At nagsimula na itong magsalita. "Hi Myanâ?¦. Hope things are greatâ?¦. Surprised?!... I know you're smiling nowâ?¦. Anyway, I just wanted to make this video real quickâ?¦. First I want to thank you for the company you showed meâ?¦. You're such a great personâ?¦. I know wherever you are success will be on your side may it be here in Phil or outside the countryâ?¦.

You're a great man Myan�. Just believe in yourself�. I have a great trust in you... And to be honest, I really admire you�. I really do�. Thank you for the wonderful nights you shared with me�.. I� also wanted to confess something Myan�. (silence)� and I don't know how will I'll tell you this�. Do you still remember when we went to Tagaytay?!..... I was supposed to tell you something�.. But I hesitated�.. because�.. i don't want to ruin the great night we had�.. that was one of the best memories I had with you�. But�. I guess�.. this is the best time to tell you this��..(silence)�. I have a fiancée��.

Were planning to get married this summer�.. I really wanted to tell you this but I became so selfish��.. And I am very sorry�. Am really sorry�.. Please forgive me�� and one last thing�. I don't know if you'll still believe me.... And I know you haven't heard this from me�.. For the short time I have known you I know I already felt something for you�.

Listen to me Myan�� before you leave I want you to hear this from me� I love you.. I love you Myan�.. Have a safe trip��.. and good luck�.." At biglang natapos ang video. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na aking magiging pakiramdam. Natuliro ako. Nawala na naman ako sa aking sarili.

Dapat ba ako maging masaya o dapat ba ako magalit? Hindi ko alam. Nabablanko ang isip ko. Bakit ganito na lang lagi. Bakit lagi na lang akong nasasaktan? Bakit?! At biglang nanumbalik ang lahat ng aking naging nakaraan. Bigla na namang nasugatan ang kahapon lang na naghilom na sugat. Madaming katanungan ang bumalot sa aking isipan. Sana hindi na lang niya sa akin sinabi ito. Sana hindi na lang niya sinabi na ikakasal na siya. At higit sa lahat sana hindi na lang niya sinabi na mahal niya ako. Hindi ko kinaya ang mga sandaling iyon.


ITUTULOY...

Share

Read more...

MyBloglog Community

Search This Blog

Loading...

Share it now!

Sex Addicts

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP